News FeedsRSS Feed
  • LIRA & Vibal Foundation Launch 3rd of 4 Poetry Chapbooks

    17 Nobyembre 2010 | Balita

    rurok

    The celebrated Filipino poetry group Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) launched the third of its four poetry chapbooks for 2010 on November 16 at the Conspiracy Garden Café in Quezon City.

    Titled “Rurok” and edited by award-winning poet Enrico C. Torralba, the third LIRA chapbook for the year features twenty-five poems from Giancarlo Lauro C. Abrahan V, Mel G. Boquiren, Maureen Gaddi dela Cruz, Joselito Delos Reyes, Noel Fortun, Mikael Gallego, Raymund Magno Garlitos, Ezzard R. Gilbang, Phillip Kimpo Jr., Erwin C. Lareza, Vivian N. Limpin, Claire Madarang, Francisco Arias Monteseña, Jenny B. Orillos, Betty Uy-Regala, Renato Santillan, Lee Sepe, Rem Tanauan, Michael Jude C. Tumamac, and Enrique Villasis.

    | Basahin ang kabuuan

  • LIRA & NCCA's Poetry Education Series Visits Dasmariñas

    19 Nobyembre 2010 | Balita

    Sining ng Tugma at Sukat

    The Filipino poetry group Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) will hold the eighth leg of the “Sining ng Tugma at Sukat (STS; Art of Rhyme and Meter) 2010” at the De La Salle University - Dasmariñas City, Cavite on November 21, 2010.

    The STS is a series of free seminar-workshops on poetry in Filipino in nine towns across nine provinces of Luzon from March to December 2010. Teachers of Filipino from public high schools are the intended beneficiaries. The STS is on its second year, with the first edition being held in 2008 when around 430 delegates in ten towns across Luzon attended.

    | Basahin ang kabuuan

  • LIRA Poetry Clinic 2010, Bukas Na ang Aplikasyon

    18 Pebrero 2010 | Balita


    Tumutula ka ba o gustong matutong tumula? Sumali sa Klinikang Pampanulaan ng LIRA para sa taong ito! Narito ang opisyal na press release ng LIRA:

    Bukas nang muli ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa Taunang Klinikang Pampanulaan. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.

    | Basahin ang kabuuan

  • Mayo 2009 Isyu ng ULIRAT

    19 Hunyo 2009 | Balita


    Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo ang pinakabagong isyu ng ULIRAT, ang opisyal na pahayagan ng samahan. Ang ilan sa tampok na mga artikulo: mga bagong Kasapi ng LIRA, ang bagong Pamunuan ng LIRA, mga Kasaping nagwagi sa mga timpalak, mga Kasapi sa mga national workshop, mga bagong lunsad na aklat ng mga Kasapi, mga Kasapi sa mga aklat at lathalaan, Fellows’ Night nitong Disyembre 2008, matagumpay na pagtuturo ng tula ng LIRA at NCCA, Baboy sa Panitikan ni Roberto T. Añonuevo.

    | Basahin ang buong balita

  • Paglulunsad ng Huling Hudhud ni Rio Alma

    26 May 2009 | Balita


    Ilulunsad sa ika-19 ng Hunyo, 4:00 N.H. sa C&E Information and Resource Center, 1616 Quezon Avenue, Quezon City (sa tabi ng Hi-Top Supermarket) ang bagong aklat ni Rio Alma, ang Huling Hudhud. Sabay na ilulunsad ang aklat ng panunuring pampanitikan, Ang Hudhud ni Rio Alma. Si Romulo P. Baquiran Jr. ang Editor at tampok ang mga kritika nina Romulo P. Baquiran Jr., Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, Niles Jordan Breis,...

    | Basahin ang kabuuan

Navigation Balita

PoemMga Tula

PoemKritisismong
Pampanulaan

Pitong Tanong sa Multilingual Education



Ni Virgilio S. Almario


Unang Tanong: Kailangan ba ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE)?

Walang duda: KAILANGAN ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang suportahan niya ang ulat ng Monroe Commission na bigo ang paggamit ng monolingguwal na edukasyon sa Ingles. Higit na mabilis na matututo ang batàng Filipino kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpilì ng isang wika batay sa isang katutubong wika bilang wikang pambansa sa halip na Ingles.

| Basahin sa rioalma.com

Panukalang Pagdulog sa Pag-unawa ng Tula


Ni Roberto T. Añonuevo

Humihirap ang pag-unawa sa tula dahil ang pakahulugan ng “tula” ay hindi na lamang maikakahon sa “tugma, sukat, kariktan, at talinghaga” gaya ng unang winika ni Lope K. Santos, at pinalawig pagkaraan nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo Ed. Regalado. Pumasok ang kaso ng “malayang taludturan” nang tawagin ni Amado V. Hernandez noong 1931 ang kaniyang akdang pinamagatang “Wala nang Lunas” na “maikling kuwento sa tuluyang tula.” Samantala, gagamitin ni Alejandro G. Abadilla noong 1932 ang tawag na “kaunting tula at kaunting tuluyan” sa kaniyang kauna-unahang pagtatangka ng munting tulang tuluyan [petit poeme en prose].

| Basahin sa Alimbukad


PoemAudio CD

Tigre sa Zoo
Rio Alma (Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario)
Studio ni DireQ Recordings, c2009

Tampok sa audio CD na ito ang panayam sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (kilala bilang ang makata na si Rio Alma) nina Michael Coroza at Rebecca Añonuevo. Narito rin ang pagbasa ng ilang tulang likha ni Rio Alma nina G.P. Abrajano, Rebecca Añonuevo, Teo Antonio, Michael Coroza, Oshin Kitane, Ruth Elynia Mabanglo, Victor Nierva, Jovy Peregrino, Frank Rivera, Iona Santos, at ng makata mismo.

  • blog